Monday, August 15, 2011

Kamusta naman ang background music ng aking blogsite? aysus naman! Hold my Heart lang naman... ang theme song ng emo side na puso ni CyeCye! hahaha!

 Does anybody know? How to hold my heart? How to hold my heart? Cause I don't want to let go, let go, LET GO, too soon! 

Sa edad kong ito hindi ko pa nararanasan talaga ang love love na iyan... Siguro infatuation na yung pinakamitindi. Tipong akala mo iyon ay love na pero hindi pa din pala. Pero alam ko na ang love ay naandiyan lamang at dadating din iyan sa tamang panahon. Sa ngayon, ang dapat kong isipin ay ang aking goal na maging doktor at magfocus lang muna Kay God. 

Minsan, nakakantsawan na din ako kasi NBSB(no boyfriend since birth) daw ako at NMSB(no manliligaw since birth) din. Dati nga naiisip ko sumobra pa ang kapangitan ko? Naku sana naman hindi masyado! hehehe! Pero bakit ba? Hindi naman nasusukat ang mga bagay sa panlabas na anyo at hindi ko mamadaliin at  ibababa ang standards ko para lamang maexperience ang kahiwagaan ng love na iyan dahil alam ko may ibibigay sa akin ang Diyos na taong karapat-dapat. Siguro nga hindi pa ngayon kasi, napakahirap makahanap ng taong mamahalin at aalagaan ka ng totoo.Sobra-sobra din naman kasi ang pamamahal at pag-aalaga sa akin nina mommy at daddy kaya hindi ko na iniisip sa ngayon ang mga ganoon. Siguro kung may magmamahal sa akin ng ganoon at aprub kina mommy at daddy siya na nga marahil ang para sa akin. 

Hindi ko din naman ninanais pa na magkaroon ng maraming experience sa pag-ibig lalo na kung ang lahat ng ito ay bunga lamang ng aking curiousity at para may masabi lang na "in love ako!" Sapat na sa akin yung isang  ibibigay ni God balang araw dahil bakit ko pa pahihirapan ang aking sarili na ipilit ang mga pag-ibig na di naman dapat kung dadating din naman ang tamang pag-ibig sa akin? Kailangan ko lamang yun antayin sa tamang panahon :) 

At kung sino ka man. Antayin mo lang ako ha :) Pag nagkita tayo, pag nakasama na kita... Mamahalin kita ng walang pag-aalinlangan at buong tapat :) Naku po!!! Ang cheesy!!! Hayaan natin na si God ang maging daan upang tayo ay magkita.

"A woman's heart should be so hidden in God that a man has to seek Him first just to find her!" 
-Max Lucado-