Wednesday, August 31, 2011

Aking napag-isip isip na ang pakikinig ng mga worship songs ay mas nakakabuti kaysa makinig sa mga kanta na lalo ka lamang palulungkutin. Aba, huwag naman maging masochista! Nasaktan ka na nga at nalulungkot eh makikinig ka pa sa malulungkot na musika aba naman tunay mong pinagmumukhang kaawa awa ang iyong sarili! Tipong tumatama tama pa ang lyrics sa iyong sitwasyon! hahahaha! Hindi ko ikakaila na biktima talaga ako nito... pero, may napapala naman bang maganda? Para sa akin kasi wala... negatibo ang dulot nito sa akin... pero siyempre iba-iba naman ang bawat indibidwal... Pero mas ninanais ko ng makinig na lamang ngayon ng mga worship songs kasi doon may pag-asa ang mensahe ng kanta. Hindi natatapos sa paghihirap ang buhay dahil may Diyos na handang umalalay :) Subukin niyo din makinig sa mga kanta ng hillsong, planet shakers at iba pa :) nakakagaan ng loob!