Tuesday, May 31, 2011

Untitled by Joanne Katherine Talens Manlusoc

Sa likod ng ngiting namumutawi
Mga kataga siyang isasaliw sa awit
Mga damdaming di mawari
Yun ang pakiramdam ng taong sawi

Umasa ako na ako iyon
Umasa na ako ang iyong tugon
Sa tingin ko ang pusong ito na naiipit
Sayo lang talaga nuon pa kumakapit

Matagal kong hinintay na sabihin
Mga katagang "Ika'y aking mamahalin."
Subalit ngayon tila isang matinding dagok sakin
Lahat lang pala nang iyon bulong nang hangin

Oo masakit.. mahapdi.. masikip..
Parang ang buong mundo ko'y nanliliit
Isang matinding agos ng hagupit
San na lang ako hahawak ng mahigpit?

Pero makikita mo matatapos din sakit
May tutugon din sa aking samong marikit
Sa pagdating ng panahon ng aking pag gising
Makakalimot din sa lahat nang iyong pasaring.