Siya'y nag-aantay
Ng sa kanya'y magsasagip
Sa kalungkutan at pagdurusa
Maskara niya'y laging suot
Ng hindi makita ang lungkot
Laging umaasa na balang araw
Ang maskara'y mawala at mapalitan ng tunay na ligaya
Lagi siyang nakangiti
Laging tumatawa
Ngunit sa loob nito'y pusong nahihirapan
Patuloy na umaasang tunay niyang Tala ay dumating na......
