Saturday, January 2, 2010

Lesson from my dear Confidante...

Kanina nag-usap kami ng aking dear confidante/soulmate/ roommate sa YM... una kamustahan muna... tapos maya-maya nauwi na sa madramang usapan.. well hindi naman siya super drama unlike before na 'pag nag-uusap kami naiiyak talaga ako at super bitter ko hahaha...

Ayun, kasi nakita ko 'yung maturity na meron siya nakaka-amaze. Tapos ang deep deep niya na tao, madami kang matututunan. Marami ding marerealize, madalas magigising ka sa katotohanan. At OO, mas mamahalin mo ang sarili mo after.

Sa kanya ako laging nagsasabi ng problems sa school, sa buhay at siyempre sa love. Lalo na 'yung mag-roommates pa kami. At kahit ngayon na hindi na kami roommates, nagkakausap pa din naman kami pero madalang na.

May sinabi siya na talaga namang na-struck ako...

"Do not reserve a space for someone who doesn't exert an effort to be a part of your life. It's not worth it. "

Super true. Kung mahal ka ng taong mahal mo, ipararamdam niya 'yun sa'yo, hindi ka papaasahin sa wala. Hindi ka lang papakiligin saglet tapos puro sadness na afterwards. Hindi maganda 'yung after mong ma-fall at malaman mong hindi pala ikaw eh ibababad mo na ang sarili mo sa sadness. Yes, grieving is a natural process. Nasaktan ka eh! But much of it is not good either. Ikaw din ang talo sa huli. Kasi ang daming magagandang chances ang napalampas mo dahil sa pagmumukmok at pagkaawa sa sarili mo.Sabi pa nga ni Confidante, " if you let bitterness linger, it will eat you up! until it's all that is left" Kung hahayaan mo lang ang sarili mong maging bitter.. hindi yun maganda. kasi bitterness may turn into hatred.

Given the situation na broken ka nga,ang empty ng feeling diba.. Pero hindi ibig sabihin na pag broken ka ay empty na ang puso mo... May laman pa din yun sa loob, broken nga lang...

Solution? Let go na.. Let go of the things that make you sad..


Ika nga ni Bob Ong "Minsan kahit gawin natin lahat, kung ayaw talaga. pabayaan mo na.
hindi naman masama sumuko. akala lang ng marami un.
pero kung matapang ka talaga, alam mo kung kelan ka hihinto."