Tuesday, March 16, 2010

The point of Acceptance

Kanina ako na naman ay nalungkot.. Akala ko okay na sa akin ang lahat. Akala ko naka-move on na ako. Pero ang failure na ito ay patuloy pa din akong binabagabag. Habang nagbri-briefing kanina sa Educ Audi, ako lamang ay nakatulala at nagpipigil na wag lumuha. Hindi naman talaga ako mahiling na tao. Pero sa pagkakataong humihingi ako sa Kanya... Tila ba'y kabaliktaran ang nangyayari. Pero hindi ako nagdadamdam. Tapos na din ako sa point ng pagtatanong. Pero 'di ko lang talaga mapigilang malungkot at manghinayang.

Ni hindi nga ako nalunod kina Zei at Ariane habang sila ay magka-holding hands pa kanina at panay ang lambingan sa upuan(wohoo lumilipad talaga ang utak ko). Alam kong ramdam nila ang lungkot na aking kinikimkim. Kunwari na lamang hindi nila alam.

Uwian na at nakasalubong ko si Sir Val kanina, muli pinalakas niya ang aking loob at sinabing 'di doon natatapos ang lahat. Hay, hindi naman ako GC na tao pero nalulungkot lang talaga ako kasi alam kong nagpabaya talaga ako.

Sa aking pag-uwi may nakausap akong colleague sa tren. Pareho pala kaming na-dissolve siya sa section F galing habang ako naman ay sa section E. Napag-usapan namin lahat ng positive at negative things na dulot ng pagka-dissolve. Nalaman ko ding siya pala ay dating scholar, working student siya pero sa kinasamaang palad nawalan din siya ng scholarship dahil sa 'di niya na-meet ang average na kinakailangan. Naiintindihan ko siya dahil sa hectic ng aming schedule, ginagabi pa siya ng uwi dahil kailangan pa niyang magtrabaho sa library. Dahil dito 'di na siya nakakaaral. At doon naalala ko na naman ang aking pagkasawi. tsk.. nu ba yan...

Pagkauwi ko sa bahay. Binigyan ako ng munting regalo ni daddy, Mga highlighter, bagong palit din ng battery ang aking calculator at dito hindi na ako nakapagpigil ako'y tuluyan ng naiyak. Napakabuti talaga ng aking mga magulang. Ni minsan di nila ako prinressure sa aking pag-aaral. Pinagaan nila talaga ang aking loob at pinadama na mahal nila ako higit sa lahat, kami ng aking kapatid. Na maraming uncontrollable factors at will ni God ang lahat ng ito.

Napakarami ko ng blessings. Sa pamilya pa lang panalo na ako, maging sa kaibigan. 'Di laging aayon sa akin ang panahon. Minsan kahit paghirapan mo pa ito, kung 'di para sa'yo hindi talaga. Naniniwala ako na ito ay will ni God. And if it is His will, I know it's good. Malamang para 'di lumaki ang ulo ko. Para manatiling humble. Para mas tumibay pa 'yung faith ko sa Kanya.

This is the point of acceptance. And I'm really accepting this challenge, bittersweet it is.... Grieve if I must, but I'll keep on moving forward!