Thursday, December 31, 2009

....

"being happy is not a right but a duty for yourself"

Minsan masyado nating pinapalungkot ang mundo natin. Ang mga simpleng bagay ay nagiging komplikado.We take things for granted. Mas nagfofocus tayo sa mga bagay na nagpapalungkot sa atin pero wala naman itong naidulot na maganda diba?Hindi nagagawa ng tama ang mga bagay-bagay. At napapabayaan lang natin ang ating sarili.

Minsan na akong nalungkot ng sobra... Dinasal kong sana maging happy na ulit ako.. na bumalik sa dati ang mga bagay-bagay..Pero hindi ito nangyari.. Hindi dahil sa nagkulang ako sa dasal pero nagkulang ako sa gawa..

Ang galing din talaga ni Papa God... kasi ang dami dami kong natutunan ngayong taon... ang daming nangyari.. Heartaches, downfalls, failures, goodbyes, rejection lahat lahat na ng kalungkutan.. at ang tagal ko ding naging emo ha... Panay ang basa ko ng mga sad blogs, sad songs, sad quotes... lahat na ng sad basta nakakarelate ako haha... waaaaaaahhh.... feeling ko kasi bakit ang unfair.. kasi yung mga efforts ko parang balewala, tapos feeling mo rejected ka pa at umaasa sa wala... pero dumating sa point na nagising na ako sa katotohanan na may mga bagay na hindi talaga para sa akin.. at nagsawa na ko sa pagtorture sa sarili ko.. Na hindi maaalis ang sadness kung patuloy kong hinahayaan ang sarili kong magstay sa ganong sitwasyon.. Malaking tulong ang pagdarasal pero dapat ako mismo tumigil na sa aking mga kahibangan... haha... kaya dapat... mas mag focus ako sa hinaharap at hindi na sa nakaraan...
Na marami pang mangyayari sa buhay ko..
Na hindi naman parating sadness..
Na blessed ako sa pamilya at kaibigan..
Na mas marami pang tao ang naghihirap kesa sa'kin.. at walang-wala yung problema ko sa problema ng iba, lalo na yung mga nabaha, yung mga nasunugan, yung mga nagugutom at mga hindi nakakapag-aral...
Na patuloy na umiikot ang mundo, at hindi ito titigil para sa iyo....
Na maganda ring maexperience yung magmahal at masaktan kasi ang dami mo talagang matututunan.. you'll be wiser.. and stronger :)

I've learned that "being happy is not a right but a duty for yourself" I have to let go of the things that makes me sad... and start to live and do my best to be happy :)

Happiness has always been a matter of choice yan ang lagi kong sinasabi sa iba at sa sarili ko....Pero ngayon ko lang naiintindihan ang tunay na ibig sabihin nito...

Para maging matibay ka.. may mga proseso na kailangan kang pagdaanan tulad ng mga naisaad ko...Masaya man o malungkot magpasalamat sa Diyos dahil nangyari ito.... :)